TAPSIBLOGS is now in it's new home where it belongs! Please visit our website www.successcoach.ph and learn more about us, how we can help you and your team and what we do best!
Wednesday, November 9, 2011
Monday, November 7, 2011
Ano ba mas mahalaga?
"It's not who you are that matters, it's who you know that does"
Minsan na akong naninwala dito noon. Ang importante daw ay ang mga "contacts" mo para makaungos sa buhay.
Kaya pala ganun na lang kung kumapit, dumikit, sumipsip ang karamihan sa atin para makatsamba ng pagkakataong makagawa ng deal at transaksyon.
Sa isang banda may katotohanan naman di naman ito kung iisipin mo. May maganda kang ideya, produkto o serbisyo pero wala din namang saysay kung wala kang customer.
Ang problema nito, may contacts ka nga pero palyado naman ang ideya, produkto at serbisyo mo, eh di wala din di ba?
Kaya nga maraming beses nangyayari ang kurapsyon ay dahil "below standard" ang mga inaalok nilang serbisyo sa publiko kaya kinakailangang "magpadulas" para lang makapasok sa mga iba't ibang transaksyon sa gubyerno.
Baliktarin naman natin, bakit di muna natin tutukan ang sarili natin bago ialok sa ating mga contacts?
Bakit di muna natin bigyan ng oras na ayusin ang ating ideya, produkto o serbisyo bago mapaso ang mga customer natin sa pangit na ideya, produkto o serbisyo?
Kasi naman mga tol, magamit mo man ang contacts mo pero nadala naman sila sa iyo eh balewala din.
Di na uulit. Walang repeat order.
Kaya ang mas maganda siguro, baguhin natin yung kasabihan na "It's who you are that matters, it's who you know that does".
Gawin nating "Who you know won't matter if who you are does not"
Subscribe to:
Posts (Atom)